Tara…
> just wanna share this to u guys…
>
>
> Tumatanda ka na, tol.
>
> Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.
> Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong
> child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee
> idol noon.
>
> Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may
> sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet
> mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko
> biloba.
>
> Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta,
> inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na
> lang kayo
> ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng kape na di makatarungan > ang presyo pero dapat e para maging in.
> Dati pag gusto mo makipagusap sa mga kaibigan mo telepono ang gagamitin mo yung iniikot pa para maka dial ka. Uso pa nga ang party line. Dumating ang pager, kaya pag gusto mangamusta page ka na lang pero at least personal pa din. Ngayon uso na ang cellphone. Pati sila lolo at lola gumagamit na. Pag gusto mo mangamusta maghahanap ka lang sa latest model mong cellphone ng forwarded messages na ginawa ng kung sino mang wala din magawa para i-send mo sa kaibigan mo. Kailan ka ba huling beses nag text ng kahit simpleng message ng “musta na?” Kailan ka nag bigay ng panahon para gamitin ulit ang telephono para tawagan ang mga kaibigan mo? Kahit man lamang pag birthday nila. Isang beses lang yun sa isang taon.
> Wala na ang mga kaibigan mo noon.
>
> Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng
> walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang
> best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Hinayan mo kasi mawala ang magandang pagkakaibigan dahil akala mo yun ang pag grow. Akala mo pede ka maging kampante na nandyan lamang siya at di mawawala kahit na di mo na siya binibigayan ng pahalaga.
>
> Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang
> pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay,
> nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa
> tinatawag nilang
> "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at
> ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon
ang
> sisira sa inyong
> dalawa.
>
> Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
>
> Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin
> ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka
> ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR. Alipin ka na ng mga sosyal na mga bago mong kaibigan. Alipin ka na ng mall.
>
> Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon,
> dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka
> na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapaglaro. Okay na mag swimming kahit dyan lang basta magkakasama kayo. Ngayon,
> ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati,
> sulit na
> sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red
> wine,
> maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Dati ok lang na tumambay kayo ng barkada kahit na pusoy dos at tong its lang nag kasama o kaya’y kantahan o kwentuhan na kahit paulit ulit ay di niyo pinagsasawan.
>
> Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.
> Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang
> sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong
> hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga
> gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
>
> Saan ka ba papunta?
Parati mong tanong bakit ang simple lamang ng buhay noon. “
sana di na tumakbo ang oras at panahon” Pero naisip mo ba tumakbo nga ba nag panahon o sadya lamang na iniwan mo ito? > sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung > paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa
>
> Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang
> bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang
> hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung
> yo. Balikan mo
> sila.
> Di pa huli na balikan mo ang bestfriend mo, ang barkada mo na kahit iba iba na kayo ng buhay alam mo na tunay yung pinagsamahan niyo. Alam ko miss mo na din sila. Di pa din huli na balikan ninyo nag masasayang panahon na pinagsamahan, ang mga kalokohan na gusto mo ikwento sa mga magiging mga apo mo. Alam ko minsan nakakapagod na din ang mundo na ginagalwan mo. Bumalik ka sa mga tao kung saan hindi mo na kailangan may patunayan kasi tanggap ka nila kung sino ka. Kantahin ninyo ang mga kanta na nakakapgpagaan ng buhay. Magkwentuhan kayo ulit ng mga bagay na akala mo ay mababaw. Tol, bumalik ka siguro naghihintay lang ang panahon…
> Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo
July 25th, 2006 at 9:53 pm
Now that’s what I’m talking about! Blog! Tara, setup tayo ng barkada blog. Weekly post tayo kahit ano topic or whatever. Ano, game?
July 27th, 2006 at 4:10 am
inspiring… challenging…
iba na talaga ang tumatanda…
but i must say that things have really changed…
oh, well…
July 29th, 2006 at 7:38 am
=P