Untitled
Nung nasa elementary pa ko, di pa uso ang cellphone. Kahit nga telepono noon madalang. Kaya pag may kelangan kang kausapin ASAP, no choice ka, kelangan mong pumunta sa bahay niya. Kaya kami ni kiko, ganito kami noon:
Monday, 5:00pm (sa harap ng bahay niya)
Ako: 0, bakit?
kiko: tol, Tatanong kosana
kung anong assignment natin sa Hekasi. Di kasi ako pumasok.
Ako: Lagi naman. Tara sa loob.
Nung nasa high school na ko, di pa rin uso ang cellphone. Kaya pag
may gusto kang maka-usap ASAP, telepono ang gagamitin mo. Kaya kami. ni kiko, ganito kami noon:
Saturday, 8:30am (walang tigil sa pag-ring ang telepono) Ako: Hello?
kiko: Kakagising mo lang?
Ako: Ohvious ha?
kiko: Ligo na. Alis tayo, libre kita. tas simba tayo. Ako: Ang aga-aga?
kiko: Sige na. 15 minutes andyan na ko bilisan mo ha. Ako: Teka?
Click.
Akala niyo siguro mag best friend na kami ni kiko mula pagkabata- hindi po! Nung elementary same school pero di magkaklase. Halos di magkakilala! Nung Highschool na Naging magkaklase pero halos di pa din naguusap. Kasi ang mga kasama niya noon e yung mga sikat at hearthrob din ng school. Hindi ko alam kung bakit 0 paano pero basta pag tahimik ako nilalapitan niya ako para tanungin kung may problema tapos aasarin ako. TOrpedo daw ako! Minsan sinasabihan niya ako ng crush niyaat sinasabi ko din yung crush ko na may crush sa kanya! Isang araw niloko siya ng girlfiiend niya at pinagpalit sa iba. iniwan din siya ng mga kaibigan niya. Wala siyang malapitan…Siguro dun nagsimula ang labat. sa maliit na bagay pero naging mabalagang parte ng buhay ko. Mula noon hindi mo na kami mapaghihiwalay… Sa lahat ng bagay nagdadamayan, magkasama at nagtutulungan. Madalas ginigising niya ako para lang sabihin na susunduin niya ako…diyan mahilig si kiko…
Habang tumatagal, lalo naging importante sa buhay ko ang mendship namin. parang siya yung tao na naglabas sa akin sa shell na bumabalot sa akin. Pinakita niya at pinaramdam na may halaga ako. Napakalaki ng influence niya sa buhay ko. Tinuring ko na siyang kapatid. Hangang nagsimula na nga ang college life namin…
Nung college na kami, laganap na ang cellphone. Kaya pag may gusto kang maka-usap, pa-text-text ka na lang dyan. Minsan nga pati pagcompose ng message kinatatamaran pa. Kaya karamihan sa ‘tin., pag gusto magparamdam sa isang kaibigan. magfo-forward na lang ng message na ginawa ng kung sinong walang magawa. Eto namang kaibigang pinadalhan ng forwarded na message ay sasagot din sa pamamagitan ng pagfo-forward din ng isa pang message. Wala nang personal na kahulugan. Wala nang damdamin. Paminsan madrama din ako. Ganon na kasi ang nangyari sa amin ni kiko ngayong college.
(May kung anong graphics muna) Juz hope dis HUG cud make up for OL d tyms 1 was supposd 2 txt u but wasn’t able 2. GudPm! God Bless! Sender:
randy
Sent:
17-Jan-2002
21:44:40
sagot naman niya
il reach 4ur
hand n d cold of winter. N
il reach 4ur
hand n d heat of Summer. But f my short lyf cant reach d dawn of spring, I promis n heavn il reach u wid my wings
Sender:
bestftiend
Sent.
17-Jan-02
21:58:10
Si kiko talaga, paminsan corny.
Hanggang ganito na lang ang pag-uusap namin. Sinemento na ang kalsada mula sa bahay namin patungo sa kanilang lugar pero hindi na utit ako nakadalaw sa kanila. Pati nga telepono namin halos hindi na nagri-ring.
Nung bakasyon na. naisipan kong kamustahin siva. Napapadalas na kasi ang pagtext niya, hindi naman ako makasagot kasi walang load. Siguro break na naman sila nang girlftiend niyang selosa kava naghahanap na naman ng bonding session yung loko. Sabi ko pupunta ko sa kanila ng Sabado. Pero nag-Induction Ball ang org kaya di natuloy. Di bale, bukas na lang.
Kaso, napuyat ako. Di na ko tumuloy sa kanila. Natulog lang ako
maghapon. Sumunod na linggo, binalak kong tawagan siya. Kaso ang
kapatid kong high school na-Super-Glue na yata sa telepono namin. di
ako maka-singit. Natulog na ko, may bukas pa naman. Pero inuna ko muna yung girlfriend ko kaya bukas na lang ulit…
Dumaan na ang maraming bukas (at isang milyong text message ni kiko) ay di ko pa rin siya nakausap o pinuntahan sa kanila. Sobrang init kasi, ayokong lumabas ng bahay.
Isang umaga ng Sabado, sa Mundo ng kabataang umiikot sa maliit na screen ng kanilang cellphone, nag-ring ang telepono namin. Malamang para sa kapatid ko yun, kaya tinawag ko. Eh naliligo pala. No choice ako.
Ako: Naliligo sya.
kiko: Ha?
Ako. kiko?
kiko: Anong sabi mo?
Ako: tol!!!
kiko: bestfriend!!! Buhay ka pa pala?
Ako: 00 naman.
kiko: Ligo ka na. labas tayo.libre kita. tas simba tayo.
Ako: Ang aga-aga?
kiko: Sige na. 15 minutes andyan na ko? bilisan mo ha.
Ako: Teka?
Click.
Kaya ayun. Kahit na ang init-init sumama din ako kay kiko. Wala kaming ginawa kundi kumain at magkwentuhan buong araw. Binalikan namin yung dating ginagawa namin. Dating buhay. Mga dating kaibigan,teacher, niligawan? kinabag nga yata ako sa kakatawa. Si kiko talaga kengkoy. Sa isang araw na yon, binalikan namin ang buong labing-walong taon namin dito sa Mundo. Parang kami daw yung commercial ng Standard Electric fan ? ikaw at ako marami nang pinagdaanan (tama ba?! Ah basta, yun na yun).
Pagtapos non, nagsimula na ang work ko. Balik na naman
kami sa dati ni kiko ? halos walang communication. Binalak ko syang tawagan para kamustahin, pero laging may dapat gawin o kaya may lakad. Bukas na lang. Bukas na lang. Di ko na mabilang kung ilang beses akong nagbalak at sinabing “Bukas na lang”. Basta nalaman ko na lang, nung dumating na yung “bukas” na hinihintay ko, ubos na pala ang pagkakataon ko.
Isang umaga ng Sabado, sa mundo ng kabataang umiikot sa maliit na screen ng kanilang cellphone. nag-ring ang telepono namin. Kakagising ko lang kaya di ko muna pinansin. Inuna kong tiningnan ang cellphone ko at baka may message. Meron nga. Babasahin ko nasana
kaso walang tigil sa pag-ring ang telepono. Nakakairita.
Ako: Hello?
Caller: Randy?
Ako: Yup. Sino ‘to?
Caller: Si Renz.
huh?!. Kuya ni kiko. Bakit kaya?
Ako: O, Kuya Renz, napatawag ka?
Caller: Kasi Randy? ano kasi? si kiko?
Ako: Bakit? Magpapasama ba siya sa akin? May ginawa na naman bang gulo? Caller: Hindi? nasagasaan siya. Randy, wala na si Kiko.
Hindi ko alam kung natanggap ko na. Hindi ko alam kung kelan
darating yung oras na maiisip ko ang Bestfriend ko na hindi ako Malulungkot. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko pagsisisihan ang mga pagkakataong
sinabi kong bukas ko na lang siya kakausapin. Sya nga pala. yung nag
text bago tumawag si Kuya Renz, si Kiko yun. Nung gabi siya
nagtext, nung gabi bago siya nawala. Yun ulit ang pinadala niya pero
iba na ang kahulugan sa kin.
il reach 4ur
hand n d cold of winter.
I’l reach 4ur
hand n d heat of summer.
But f my short lyf cant reach d dawn of spring, I promise n heavn il reach u wid my wings.
I hope he reaches me with his wings.
Goodbye Bestfriend….
To everyone of you, I hope you got the lesson from my experience! Be sensitive enough to your friends needs! You could find a thousand and million Girlfriend and boyfriend in your entire life but you could never find a friend that could stick to you whatever happens so if God gave you that gift.. .cherish them and whatever changes that might come your way…find time to sit back and be yourselves in the presence of a real friend…
September 3rd, 2006 at 9:58 pm
ramski, story ba to ni randy or story mo…..mis yah